Ang Diyos ay nagbibigkas ng Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang mga gawain ayon sa iba-ibang mga kapanahunan, at sa iba’t-ibang kapanahunan, nagwiwika Siya ng iba-ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o inuulit ang parehong gawain, o nakakaramdam ng galimgim para sa mga bagay sa nakaraan; Siya ay Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawat araw bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod sa mga dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakamahalaga na ang pagsasagawa ay dapat masentro sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alintuntunin, at nakakapagsalita mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing payak ang Kanyang karunungan at walang hanggang kapangyarihan. Walang halaga kung Siya ay nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, o ng tao, o ng ikatlong persona—ang Diyos ay palaging Diyos, at ikaw ay hindi maaaring magsabi na Siya ay hindi Diyos dahil sa perspektibo ng tao na kung saan nagmumula na Siya ay mangusap. Kabilang ang ilang mga tao may mga lumitaw na mga pag-iisip bilang isang bunga ng iba-ibang mga perspektibo na kung saan nagmumula ang Diyos ay mangusap. Ang mga ganoong tao ay walang kaalaman sa Diyos, at walang kaalaman sa Kanyang gawain. Kung ang Diyos ay palaging nangusap mula sa isang perspektibo, hindi ba maglalatag ang tao ng mga patakaran tungkol sa Diyos? Maaari kayang payagan ng Diyos ang tao na kumilos sa ganoong paraan? Hindi alintana kung anong perspektibo ang pinagmumulan ng Diyos na mangusap, ang Diyos ay may mga layunin para sa bawat isa. Kung ang Diyos ay palaging nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, ikaw kaya ay maaaring makipag-ugnayan sa Kanya? Samakatwid, nangungusap Siya sa ikatlong persona upang paglaanan ka ng Kanyang mga salita at gabayan ka tungo sa realidad. Lahat-lahat ng ginagawa ng Diyos ay karapat-dapat. Sa maikling salita, ito ay ginagawang lahat ng Diyos, at ikaw ay hindi dapat magduda tungkol dito. Ipinagpalagay na Siya ay Diyos, samakatwid kahit anuman ang perspektibo na pinagmumulan ng mga pagbibigkas Niya, Siya pa rin ay Diyos. Ito ay ang hindi nababagong katotohanan. Paano man Siya gumagawa, Siya ay Diyos pa rin, at ang Kanyang sustansya ay hindi magbabago! Sobrang minamahal ni Pedro ang Diyos at siya ay isang tao na malapit sa sariling puso ng Diyos, subalit ang Diyos ay hindi sumaksi sa kanya bilang Panginoon o Kristo, pagkat ang sustansya ng tao ay kung ano nga iyon, at hindi kailanman maaaring magbago. Sa Kanyang gawain, ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, ngunit gumagamit ng ibat-ibang mga paraan upang maging mabisa ang Kanyang gawain at madagdagan ang kaalaman ng tao sa Kanya. Ang Kanyang bawat paraan ng paggawa ay nakakatulong sa tao na makilala Siya, at nasa ayos upang gawing perpekto ang tao. Kahit na anong paraan ng paggawa ang gamitin Niya, ang bawat isa ay nasa ayos upang buuin ang tao at gawing perpekto ang tao. Bagaman isa sa Kanyang paraan nang paggawa ay maaaring tumagal sa isang mahabang panahon, nasa sa ayos ito upang timplahin ang pananampalataya ng tao sa Kanya. Samakatwid hindi kayo dapat mag-alinlangan. Ang lahat ng mga ito ay mga hakbang sa gawain ng Diyos, at dapat ninyong sundin.
Ngayon, ang pinag-uusapan ay ang pagpasok sa realidad. Walang usapan tungkol sa pag-akyat sa langit, o pamamahala bilang mga hari; ang lahat ng pinag-uusapan ay tungkol sa pagtugis sa pagpasok sa realidad. Wala nang hihigit na praktikal na pagtugis kaysa dito, at ang pag-usapan tungkol sa pamamahala bilang mga hari ay hindi praktikal. Ang tao ay may matinding kausisaan, at sinusukat pa rin niya ang gawain ng Diyos ngayon sa pamamagitan ng kanyang pangrelihiyong mga pag-iisip. Matapos maranasan ang napakaraming mga paraan ng Diyos sa paggawa, hindi pa rin alam ng tao ang gawain ng Diyos, naghahanap pa rin ng mga tanda at mga kababalaghan, at tinitingnan pa rin kung ang mga salita ng Diyos ay naisasakatuparan. Hindi ba ito napakalaking kabulagan? Kung wala ang katuparan ng mga salita ng Diyos, maniniwala ka pa kaya na Siya ay Diyos? Ngayon, maraming ganoong mga tao sa iglesia ang naghihintay na makakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Sinasabi nila, kung ang mga salita ng Diyos ay natupad, sa gayon Siya ay Diyos; kung ang mga salita ng Diyos ay hindi natupad, sa gayon Siya ay hindi Diyos. Ikaw ba, samakatwid, ay naniniwala sa Diyos dahil sa katuparan ng mga salita Niya, o dahil sa Siya ay Diyos Mismo? Ang pagtingin ng tao sa paniniwala sa Diyos ay dapat maiwasto! Kapag nakita mo na ang mga salita ng Diyos ay hindi naisakatuparan, lumalayas ka—ito ba ay paniniwala sa Diyos? Kapag naniniwala ka sa Diyos, dapat mong iwan ang lahat-lahat sa awa ng Diyos at sundin ang lahat ng gawain ng Diyos. Ang Diyos ay nangusap nang napakaraming mga salita sa Lumang Tipan—alin sa mga yaon ang nakita ng sarili mong mga mata na natupad? Maaari mo bang masabi na si Jehovah ay hindi Diyos sapagkat hindi mo nakita yaon? Nakikita na ang mga salita ng Diyos ay hindi natupad, ang ilan ay nagnanais lumayas. Ang sinumang gustong umalis ay dapat umalis, walang pumipigil sa kanila! Subukan ito, tingnan mo kung makakatakas ka. Pagkatapos mong makalayas, ikaw ay babalik pa rin. Kinokontrol ka ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang salita, at kapag iniwan mo ang iglesia at ang salita ng Diyos, wala kang paraan ng pamumuhay. Kung hindi ka naniniwala dito, subukan mo sa sarili mo—iniisip mo ba na maaari kang basta makaalis? Kinokontrol ka ng Espiritu ng Diyos, at hindi ka maaaring makaalis. Ito ay isang atas ng pamamahala ng Diyos! Kung nais ng ilang tao na subukin, sa ganoon, maaari nilang subukan! Sinasabi mong ang personang ito ay hindi Diyos, kaya magkasala ka laban sa Kanya at tingnan mo kung ano ang gagawin Niya. Maaari na ang iyong laman ay hindi mamamatay at makukuha mo pa ring pakanin at damtan ang iyong sarili, subalit sa isip hindi mo mababata; makadarama ka ng kaigtingan at napahihirapan, walang higit na magiging mas masakit. Hindi matitiis ng tao na maparusahan at mapinsala sa pag-iisip—marahil maaari mong matiis ang paghihirap ng laman, ngunit hindi mo makakayanang batahin ang maparusahan sa pag-iisip at ang pangmatagalang pagpapahirap. Ngayon hindi mo maaaring makita ang mga tanda at mga kababalaghan, datapwat walang sinuman ang makakalayas, sapagkat ginagamit ng Diyos ang Kanyang salita upang kontrolin ang tao. Hindi nahihipo, hindi nakikita, walang pagdating ng mga katunayan, datapwat hindi pa rin maaaring tumakas ang tao. Hindi ba ang mga ito ang mga kilos ng Diyos? Ngayon, ang Diyos ay naparito sa lupa upang bigyan ang tao ng buhay. Hindi Niya, gaya ng ipinapalagay ng tao, sinusuyo ka sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang tiyakin ang isang mapayapang ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng tao. Yaong lahat na hindi nagtutuon ng pansin sa buhay, at sa halip ay nililiming mabuti na magpakita ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, ay mga Pariseo! Sa oras na iyon, ang mga Fariseo ang nagpapako kay Jesus sa krus; kung susukatin mo ang Diyos ayon sa iyong sariling pananaw ng paniniwala sa Diyos, naniniwala sa Diyos kung ang Kanyang mga salita ay natutupad, at nag-aalinlangan at lumalapastangan pa nga sa Diyos kung ang mga ito ay hindi, samakatwid hindi mo ba Siya ipinapako sa krus? Ang mga taong gaya ng mga ito ay pabaya sa kanilang mga tungkulin, at buong kasakimang nagkakatuwaan sa kaginhawahan!
Sa kabilang dako, ang pinakamalaking suliranin sa tao ay na hindi niya alam ang gawain ng Diyos. Bagaman ang saloobin ng tao ay hindi isang pagtatwa, ito ay isang pag-aalinlangan; hindi niya itinatatwa, subalit hindi rin niya ganap na kinikilala. Kung ang mga tao ay may lubusang kaalaman sa gawain ng Diyos, samakatwid hindi sila tatakas. Sa kabilang dako, ito’y dahil sa hindi alam ng tao ang realidad. Ngayon, sa salita ng Diyos nakikipag-ugnayan ang bawat tao; sa katunayan, sa hinaharap hindi mo dapat isiping makita ang mga tanda at mga kababalaghan. Sinasabi ko sa iyo nang payak: Sa panahon ng kasalukuyang yugto, ang lahat ng maaari mong makita ay ang mga salita ng Diyos, at bagaman walang mga katunayan, ang buhay ng Diyos ay maaari pa ring magawa sa tao. Ang gawaing ito ang pangunahing gawain ng Milenyong Kaharian, at kung hindi mo nadarama ang gawaing ito, samakatwid magiging mahina ka at babagsak, bababa sa gitna ng mga pagsubok at, datapwat mas malubha pa, ay mabibihag ni Satanas. Naparito ang Diyos sa lupa pangunahin upang wikain ang Kanyang mga salita; ang kinakaugnayan mo ay ang salita ng Diyos, ang nakikita mo ay ang salita ng Diyos, ang nadidinig mo ay ang salita ng Diyos, ang sinusunod mo ay ang salita ng Diyos, ang nararanasan mo ay ang salita ng Diyos, at ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay pangunahing ginagamit ang salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at lalo na hindi ang gawin ang mga ginawa ni Jesus noong nakaraan. Bagaman Sila ay Diyos, at kapwa katawang-tao, ang Kanilang mga ministeryo ay hindi pareho. Nang naparito si Jesus, ginawa rin Niya ang bahagi ng gawain ng Diyos, at nangusap ng ilang mga salita—subalit ano ang pangunahing gawain na natupad Niya? Ang pangunahing natupad Niya ay ang gawain ng pagkakapako sa krus. Naging kalarawan Siya ng makasalanang laman upang makumpleto ang gawain ng pagkakapako sa krus at matubos ang lahat ng sangkatauhan, at para sa kapakanan ng lahat ng kasalanan ng sangkatauhan Siya ay nagsilbi bilang pinakahandog dahil sa kasalanan. Ito ang pangunahing gawain na natupad Niya. Sa kahuli-hulihan, inilatag Niya ang daan ng krus upang gabayan ang yaong mga dumating nang huli. Nang dumating si Jesus, pangunahing kinumpleto Niya ang gawain ng pagtubos. Tinubos Niya ang lahat ng sangkatauhan at dinala ang ebanghelyo ng kaharian ng langit sa tao, at, karagdagan, dinala Niya ang kaharian ng langit. Bilang bunga, yaong mga dumating pagkatapos ay lahat nagsabi, “Dapat tayong tumahak sa daan ng krus, at isakripisyo ang ating mga sarili para sa krus.” Mangyari pa, si Jesus ay gumawa rin ng ilang iba pang mga gawain at nangusap ng ilang mga salita upang papagsisihin ang tao at ikumpisal ang kanyang mga kasalanan. Subalit ang Kanyang ministeryo ay ang pagkakapako pa rin sa krus, at ang tatlo’t kalahating taon na iginugol Niya sa pangangaral ng daan ay paghahanda para sa pagkakapako sa krus na sumunod pagkatapos. Na ang ilang ulit na nagdasal si Jesus ay para rin sa kapakanan ng pagpapapako. Ang buhay ng isang normal na tao na pinamunuan Niya at ang tatlumpu’t-tatlong taon Niyang buhay sa lupa ay pangunahin para sa kapakanan ng pagsasakumpleto ng gawain ng pagkakapako sa krus, na siyang nagbigay sa Kanya ng lakas, na nagbunsod sa Kanya na maisagawa ang gawaing ito, na ang bunga ay ang pagkakatiwala ng Diyos sa Kanya ng gawaing pagkakapako sa krus. Ngayon, anong gawa ang isasakatuparan ng Diyos na nagkatawang-tao? Ngayon, ang Diyos ay pangunahing nagkatawang-tao upang kumpletuhin ang gawain ng “ang Salita ay napakita sa katawang-tao,” upang gamitin ang salitang gawing perpekto ang tao, at tanggapin ng tao ang pakikitungo sa salita at kapinuhan ng salita. Sa Kanyang mga salita Siya ang sanhi upang iyong matamo ang tadhana at matamo ang buhay; sa Kanyang salita, nakikita mo ang Kanyang gawa at mga gawain. Ginagamit ng Diyos ang salita upang kastiguhin at papinuhin ka, at samakatwid kung magdurusa ka, ito ay dahil din sa salita ng Diyos. Ngayon, ang Diyos ay hindi gumagawa na gamit ang mga katunayan, kundi mga salita. Tanging matapos ang Kanyang mga salita ay makarating sa iyo ay saka lamang makakagawa ang Banal na Espiritu sa kalooban mo. at magdudulot sa iyo na dumanas ng sakit o makaramdaman ng katamisan. Tanging ang salita ng Diyos ang maaaring makapagdala sa iyo sa realidad, tanging ang salita ng Diyos ang may kakayanang gawin kang perpekto. Kung ganoon, sa paano man dapat mong maunawaan na ang gawa na ginawa ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ay pangunahin ang paggamit ng Kanyang mga salita upang gawing perpekto ang bawat tao at gabayan ang tao. Ang lahat ng gawain na ginagawa Niya ay sa pamamagitan ng salita; hindi Siya gumagamit ng mga katunayan upang kastiguhin ka. May mga panahon ang mga tao ay tumututol sa Diyos. Hindi nagsasanhi ang Diyos ng malaking paghihirap mo, ang iyong laman ay hindi napaparusahan o ikaw ay dumadanas ng hirap—subalit sa sandaling dumating sa iyo ang Kanyang salita, at pinipino ka, hindi mo mababata ito. Hindi ba’t gayon nga? Sa panahon ng mga “taga-serbisyo,” sinabi ng Diyos na itapon ang tao sa isang napakalalim na hukay. Talaga bang nakarating ang tao sa napakalalim na hukay? Sa pamamagitan ng simpleng paggamit ng mga salita upang pinuhin ang tao, ang tao ay pumasok sa napakalalim na hukay. At sa gayon, sa panahon ng mga huling araw, nang ang Diyos ay nagkatawang-tao, pangunahin Niyang ginamit ang salita upang tuparin ang lahat at gawing payak ang lahat. Tanging sa Kanyang salita maaari mong makita kung ano Siya; tanging sa mga salita Niya maaari mong makita na Siya ay Diyos Mismo. Nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa, wala Siyang ibang ginawa kundi ang mangusap ng mga salita—samakatwid hindi na kailangan ang mga katunayan; sapat na ang mga salita. Yaon ay sapagkat pangunahing naparito Siya upang gawin ang gawaing ito, hayaan ang tao na makita ang Kanyang kapangyarihan at kataas-taasang kapangyarihan sa Kanyang mga salita, hayaan ang mga tao na makita ang Kanyang mga salita kung gaano mapagkumbaba Niyang itinatago ang Kanyang Sarili, at hayaan ang tao na malaman ang Kanyang kabuuan sa Kanyang mga salita. At lahat ng anong mayroon Siya at sino Siya ay nasa Kanyang mga salita, ang Kanyang karunungan at pagka-nakakamangha ay nasa sa Kanyang mga salita. Sa ganito ipinakikita sa iyo ang maraming mga paraan na kung saan winiwika ng Diyos ang Kanyang mga salita. Karamihan sa mga gawain ng Diyos sa lahat ng panahong ito ay paglalaan, pagbubunyag at pakikitungo. Hindi Niya sinusumpa ang isang tao nang babahagya, at kahit na kapag ginawa Niya, ito ay sa pamamagitan ng salita. At sa gayon, sa kapanahunang ito na ang Diyos ay naging tao, huwag mong subukang tingnan ang Diyos na nagpapagaling at muling nagpapalayas ng mga demonyo, huwag mo palaging subukang hanapin ang mga tanda—wala itong saysay! Ang mga tandang iyon ay hindi maaaring makapagperpekto sa tao! Sa payak na salita: Ngayon, ang totoong Diyos Mismo na nagkatawang-tao ay nangungusap, at hindi kumikilos. Ito ang katotohanan! Gumagamit Siya ng mga salita upang maging perpekto ka, at gumagamit ng mga salita upang pakanin at diligan ka. Ginagamit din Niya ang mga salita upang gumawa, at ginagamit Niya ang mga salita sa halip na mga katunayan upang malaman mo ang Kanyang realidad. Kung may kakayanan kang maramdaman ang aspetong ito ng gawain ng Diyos, samakatwid mahirap maging di-aktibo. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na negatibo, dapat ninyong pagtuunan ng pansin yaong mga positibo—na ibig sabihin, hindi alintana kung natutupad ang mga salita ng Diyos o hindi, o mayroon o wala nang pagdating ng mga katunayan, ang Diyos ang sanhi upang matamo ng tao ang buhay mula sa Kanyang mga salita, at ito ang pinakadakila sa lahat ng mga tanda, at kahit na higit pa, ito ay isang hindi mapapabulaanang katunayan. Ito ang pinakamainam na katibayan na sa pamamagitan nito’y magkakaroon ng kaalaman sa Diyos, at isa pang mas higit na tanda sa mga tanda. Tanging ang mga salitang ito ang makakapagperpekto sa tao.
Sa sandaling ang Kapanahunan ng Kaharian ay nagsimula, sinimulan ng Diyos na pakawalan ang Kanyang mga salita. Sa hinaharap, ang mga salitang ito ay unti-unting matutupad, at sa panahong iyon, ang tao ay lalago sa buhay. Ang paggamit ng Diyos ng salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ay mas totoo, at mas kinakailangan, at wala na Siyang ginagamit kundi salita upang gawin ang Kanyang gawain na maperpekto ang pananampalataya ng tao, pagkat ngayon ay ang Kapanahunan ng Salita, at ito ay nangangailangan ng pananampalataya, kapasiyahan at pakikipagtulungan ng tao. Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay ang paggamit ng Kanyang salita upang maglingkod at maglaan. Tanging pagkatapos ang Diyos na magkatawang-tao ay mangusap ng Kanyang mga salita saka masisimulan ang mga ito na matupad. Sa panahon na Siya ay nangungusap, ang Kanyang mga salita ay hindi natutupad, sapagkat kapag Siya ay nasa yugto ng katawang-tao, ang Kanyang mga salita ay hindi maaaring matupad, at ito ay upang makita ng tao ang Diyos sa katawang-tao at hindi sa Espiritu, upang sa gayon makita ng tao sa sarili niyang mga mata ang realidad ng Diyos. Sa araw na iyon na makumpleto ang Kanyang gawain, kapag ang lahat ng mga salita na dapat wikain Niya sa lupa ay nabigkas na, ang Kanyang mga salita ay magsisimulang matupad. Ngayon ay hindi ang kapanahunan ng katuparan, sapagkat hindi pa Siya natatapos magwika ng Kanyang mga salita. Sa gayon kapag nakita mo na ang Diyos ay nagbibigkas pa rin ng Kanyang mga salita sa lupa, huwag mong hintayin ang katuparan ng Kanyang mga salita; kapag huminto na ang Diyos sa pagwika ng Kanyang mga salita, and at kapag ang Kanyang gawain sa lupa ay nakumpleto na, yaon ang magiging panahon na ang Kanyang mga salita ay magsisimulang matupad. Sa salitang winika Niya sa lupa, mayroon, sa isang pagsasaalang-alang, paglalaan sa buhay, at sa kabila, mayroong hula—ang hula ng mga bagay na darating, ng mga bagay na magagawa, at ng mga bagay na kailangan pang matupad. Mayroon ding hula sa mga salita ni Jesus. Sa isa, nagbigay Siya ng buhay, at sa ibang pagsasaalang-alang, nangusap Siya ng hula. Ngayon, walang usapan nang pagsasakatuparan ng mga salita at mga katunayan na sabay-sabay sapagkat ang kaibahan sa pagitan ng yaong nakikita ng tao sa sarili niyang mga mata at yaong ginagawa ng Diyos ay napakalaki. Masasabi lamang na kapag ang gawain ng Diyos ay nakumpleto, ang Kanyang mga salita ay matutupad, at ang mga katunayan ay susunod pagkatapos ng mga salita. Sa lupa, ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagsasagawa ng ministeryo ng salita, at sa pagsasagawa ng ministeryo ng salita, tanging nangungusap Siya ng mga salita, at walang malasakit sa ibang mga bagay. Kapag nagbago ang mga gawain ng Diyos, ang Kanyang mga salita ay magsisimulang matupad. Ngayon ang mga salita ay unang ginagamit upang ikaw ay maging perpekto; kapag natamo Niya ang kaluwalhatian sa buong sansinukob, yaon ang panahon na ang Kanyang gawain ay makukumpleto, kapag ang mga salitang dapat bigkasin ay nasabi na, at lahat ng mga salita ay naging mga katunayan. Ang Diyos ay naparito sa lupa sa panahon ng mga huling araw upang gawin ang ministeryo ng salita, upang ang makilala Siya ng tao, at sa gayon makita ng tao kung ano Siya, at makita ang Kanyang karunungan at lahat ng Kanyang nakamamanghang mga gawain mula sa Kanyang salita. Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos pangunahin ang salita upang lupigin ang lahat ng mga tao. Sa hinaharap, ang Kanyang salita ay darating sa bawat sekta, grupo, bansa at taguri; ginagamit ng Diyos ang salita upang lupigin, upang ipakita sa lahat ng tao na ang Kanyang salita ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan—at kaya ngayon, hinaharap mo lamang ang salita ng Diyos.
Ang mga salita na winika ng Diyos sa kapanahunang ito ay iba sa mga winika noong Kapanahunan ng Kautusan, at kaya, din, sila ay naiiba mula sa mga salita na winika noong Kapanahunan ng Biyaya. Sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ginawa ng Diyos ang gawain ng salita, ngunit payak naisinalarawan ang pagpapako sa krus upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan. Ang Biblia ay isinasalarawan lamang kung bakit ipinako si Jesus, at ang mga paghihirap na dinaanan Niya sa krus, at kung paano ang tao ay dapat maipako para sa Diyos. Sa kapanahunang iyon, lahat ng gawain na ginawa ng Diyos ay nakasentro sa pagpapako sa krus. Sa Kapanahunan ng Kaharian, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagwika ng mga salita upang lupigin ang lahat ng naniniwala sa Kanya. Ito “ang Salita na napakita sa katawang-tao”; ang Diyos ay naparito sa panahon ng mga huling araw upang gawin ang ganito, na ibig sabihin, Siya ay naparito upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na napapakita sa katawang-tao. Tanging nagwiwika Siya ng mga salita, at bihirang mayroong pagdating ng mga katunayan. Ito ang pinakasubstansya ng Salita na napakita sa katawang-tao, at nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagwika ng Kanyang mga salita, ito ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, at ang Salita na naging katawang-tao. “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. At nagkatawang-tao ang Verbo”. Ito (ang gawain ng pagpapakita ng Salita sa katawang-tao) ay ang gawain na tutuparin ng Diyos sa mga huling araw, at sa pangwakas na kabanata ng Kanyang buong plano sa pamamahala, at sa gayon ang Diyos ay naparito sa lupa at naghayag ng Kanyang mga salita sa katawang-tao. Yaong mga gagawin ngayon, yaong gagawin sa hinaharap, yaong tutuparin ng Diyos, ang huling hantungan ng tao, yaong maliligtas, yaong mga mawawasak, at iba pa—ang gawaing ito na dapat matamo sa pagtatapos ay maliwanag na nakasaad, at lahat ito ay upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na napakita sa katawang-tao. Ang atas ng pamamahala at saligang batas na dati nang nailathala, yaong mawawasak, yaong papasok sa pamamahinga—ang lahat ng mga salitang ito ay dapat matupad. Ito ang gawaing pangunahing natupad ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahon ng mga huling araw. Pinaunawa Niya sa mga tao kung saan yaong mga itinadhana ng Diyos ay nabibilang at kung saan yaong mga hindi naitadhana ng Diyos ay nabibilang, kung paanong ang Kanyang mga tao at mga anak na lalaki ay dapat uriin, ano ang mangyayari sa Israel, ano ang mangyayari sa Egipto—sa hinaharap, bawat isa sa mga salitang ito ay matutupad. Ang mga hakbang ng mga gawain ng Diyos ay tumutulin. Ginagamit ng Diyos ang salita bilang mga paraan upang ibunyag sa tao kung ano ang gagawin sa bawat kapanahunan, kung ano ang gagawin ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, at Kanyang ministeryo na dapat isagawa, at ang mga salitang ito lahat ay nasa ayos upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salitang napakita sa katawang-tao.
Nasabi ko na dati na “Lahat nang naghahanap na makita ang mga tanda at mga kababalaghan ay tatalikdan; sila ay hindi mga yaong maisasagawang mga perpekto.” Nagwika Ako ng napakaraming mga salita, datapwat ikaw ay walang ni katiting na kaalaman sa gawaing ito, at, sa pagdating sa puntong ito, tinatanong mo pa rin ang mga tanda at mga kababalaghan. Ang paniniwala mo ba sa Diyos ay ang pagtugis sa pagkakita sa mga tanda at mga kababalaghan, o ito ba’y upang makatamo ng buhay? Si Jesus ay nagwika rin ng maraming mga salita na, ngayon, dapat pang matupad. Maaari mo bang masabi na si Jesus ay hindi Diyos? Sumaksi ang Diyos na Siya ay si Kristo at ang minamahal na Anak ng Diyos. Maaari mo bang itatwa ito? Ngayon, bumibigkas lamang ang Diyos ng mga salita, at kung ikaw ay walang kakayahan na lubos na makakilala, gayon ay hindi mo mapapanindigan. Naniniwala ka ba sa Kanya dahil Siya ay Diyos, o naniniwala ka ba sa Kanya batay sa kung ang Kanyang mga salita ay natutupad o hindi? Naniniwala ka ba sa mga tanda at mga kababalaghan, o naniniwala ka ba sa Diyos? Ngayon hindi na Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan—tunay ba Siyang Diyos? Kung ang mga salita na Kanyang winiwika ay hindi natutupad, Siya ba ay tunay na Diyos? Ang sustansya ba ng Diyos ay natutukoy kung ang mga winiwika Niyang mga salita ay natutupad o hindi? Bakit may mga ilang tao ang palaging naghihintay sa katuparan ng mga Salita ng Diyos bago maniwala sa Kanya? Ito ba’y nangangahulugan na hindi nila Siya kilala? Ang lahat nang nag-aangkin ng mga ganoong mga idea ay mga taong nagtatatwa sa Diyos; ginagamit nila ang mga kabatiran upang sukatin ang Diyos; kung ang mga salita ng Diyos ay natutupad, naniniwala sila sa Diyos, at kung hindi, hindi sila naniniwala sa Diyos; at palagi silang tumutugis ng mga tanda at mga kababalaghan. Hindi ba sila ang mga Pariseo ng makabagong mga panahon? Kung ikaw man ay nakakatindig nang matatag o hindi ay nakabatay sa kung nakikilala mo o hindi ang tunay na Diyos—ito ay napakahalaga! Mas malaki ang realidad ng salita ng Diyos sa iyo, mas malaki ang iyong kaalaman sa realidad ng Diyos, at mas makakayanan mong magpakatibay sa panahon ng mga pagsubok. Ang iyong lalong pagtingin sa mga tanda at mga kababalaghan, mas hindi mo makakayanan ang tumindig nang matatag, at babagsak ka sa gitna ng mga pagsubok. Ang mga tanda at mga kababalaghan ay hindi mga pundasyon; tanging ang realidad ng Diyos ang buhay. May ilang mga tao na hindi alam ang mga epekto na matatamo ng gawain ng Diyos. Gumugol sila ng kanilang mga araw sa pagkalito, hindi sa pagtugis ng kaalaman sa gawain ng Diyos. Ang kanilang pagtugis ay palagi upang ipagawa sa Diyos na tuparin ang kanilang mga pagnanais, at matapos noon sila ay magiging seryoso sa kanilang paniniwala. Sinasabi nila na kanilang tutugisin ang buhay kung ang mga salita ng Diyos ay matutupad, ngunit kung ang mga salita Niya ay hindi matutupad, samakatwid walang posibilidad sa kanila na tugisin ang buhay. Naniniwala ang tao na ang paniniwala sa Diyos ay ang pagtugis sa pagkakita sa mga tanda at mga kababalaghan at ang pagtugis sa pag-akyat sa langit at sa ikatlong langit. Walang sinumang nagsasabi na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay ang pagtugis sa pagpasok sa realidad, ang pagtugis sa buhay, at ang pagtugis sa pagiging natamo ng Diyos. Anong kahalagahan ng ganoong pagtugis? Yaong mga hindi tumutugis ng kaalaman sa Diyos at sa kasiyahan ng Diyos ay ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos, sila ay mga taong lumalapastangan sa Diyos!
Ngayon nauunawaan niyo ba kung ano ang paniniwala sa Diyos? Ang paniniwala ba sa Diyos ay ang makakita ng mga tanda at mga kababalaghan? Ito ba ay ang pag-akyat sa langit? Ang maniwala sa Diyos ay hindi madali. Ngayon, ang ganoong pangrelihiyong pagsasagawa ay dapat linisin; ang pagtugis sa paghahayag sa mga himala ng Diyos, ang pagtugis sa pagpapagaling ng Diyos at ang Kanyang pagpapalayas ng mga demonyo, ang pagtugis ng pagkakaloob ng kapayapaan at sapat na mga biyaya ng Diyos, pagtugis sa pagtamo ng mga pagkakataon at kaginhawahan para sa laman— ang mga ito ay mga pangrelihiyong kaugalian, at ang mga ganoong pangrelihiyong kaugalian ay malabo at mahirap na unawaing anyo ng paniniwala. Ngayon, ano ang tunay na paniniwala sa Diyos? Ito ay ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang realidad ng iyong buhay at ang pagkilala sa Diyos mula sa Kanyang salita upang makamit ang isang tunay na pagmamahal sa Kanya. Upang maging malinaw: Yaon ay ang paniniwala sa Diyos nang sa gayon ikaw ay sumunod sa Diyos, mahalin ang Diyos at gawin ang tungkulin na dapat gawin bilang isang nilikha ng Diyos. Ito ang layunin ng paniniwala sa Diyos. Dapat mong makamit ang isang kaalaman ng kariktan ng Diyos, kung gaano karapat-dapat ang Diyos sa paggalang, kung paano, sa Kanyang mga nilikha, ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas at ginagawa silang perpekto—ito ang pinakamababa na dapat mong taglayin sa iyong paniniwala sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin na pagpapalit mula sa isang buhay sa katawang-tao tungo sa isang buhay ng nagmamahal sa Diyos, mula sa isang buhay sa loob ng kalikasan tungo sa isang buhay sa loob ng pagka-Diyos ng Diyos, ito ay ang paglabas mula sa ilalim ng sakop ni Satanas at pamumuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, ito ay ang makayanang makamit ang pagkamasunurin sa Diyos at hindi pagkamasunurin sa laman, ito ay pagpapahintulot sa Diyos na makamtan ang iyong buong puso, pagpapahintulot sa Diyos na gawin kang perpekto at pagpapalaya sa iyong sarili mula sa tiwaling mala-demonyong disposisyon. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin upang ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos ay mahayag sa iyo, nang sa gayon maaari mong maisagawa ang kalooban ng Diyos, at maganap ang plano ng Diyos, at makayanang magbigay patotoo sa Diyos sa harap ni Satanas. Ang paniniwala sa Diyos ay hindi dapat upang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, ni hindi dapat para sa kapakanan ng iyong personal na laman. Ito ay dapat para sa pagtugis sa pagkilala sa Diyos, at makayanang sumunod sa Diyos, at tulad ni Pedro, sumunod sa Kanya hanggang kamatayan. Ito ay kung ano ang pangunahin upang makamit. At kumain at uminom ng salita ng Diyos ay upang makilala ang Diyos at upang mabigyan-kasiyahan ang Diyos. Ang kumain at uminom ng salita ng Diyos ay nagbibigay sa iyo nang mas higit na kaalaman sa Diyos, at tanging pagkatapos ay maaari kang sumunod sa Diyos. Tanging kung makikilala mo ang Diyos maaari mo Siyang mahalin, at ang pagkamit ng layuning ito ay ang tanging layon na dapat mayroon ang tao sa kanyang paniniwala sa Diyos. Kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, palagi mong sinusubukang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid ang pagtingin ng ganitong paniniwala ay mali. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang realidad ng buhay. Tanging sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos mula sa Kanyang bibig at pagsasakatuparan nito sa iyong sariling kalooban makakamit ang layon ng Diyos. Sa paniniwala sa Diyos, dapat tugisin ng tao ang magawang perpekto siya ng Diyos, ang makayanang pasailalim sa Diyos, at ang kumpletong pagkamasunurin sa Diyos. Kung maaari kang makasunod sa Diyos na hindi nagrereklamo, maaalalahanin sa mga pagnanais ng Diyos, makamtan ang tayog ni Pedro, at taglayin ang estilo ni Pedro na tinukoy ng Diyos, sa gayon makakamtan mo ang tagumpay ng paniniwala sa Diyos, at ito ay magiging tanda na ikaw ay nakamtan ng Diyos.
Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa buong sansinukob. Lahat ng mga naniniwala sa Kanya ay dapat tanggapin ang Kanyang salita, at kainin at inumin ang Kanyang salita; walang sinuman ang makakamtan ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakita sa mga tanda at mga kababalaghan na ipinamalas ng Diyos. Sa buong mga kapanahunan, palaging ginagamit ng Diyos ang salita upang gawing perpekto ang tao, samakatwid hindi niyo dapat ibuhos ang lahat ng inyong pansin sa mga tanda at mga kababalaghan, ngunit dapat ninyong tugisin na magawang perpekto ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, ang Diyos ay nagwika ng ilang mga salita, at sa Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus, din, ay nagwika ng maraming mga salita. Matapos wikain ni Jesus ang maraming mga salitang ito, ang mga apostoles at mga propeta na dumating nang mas huli ang naging dahilan upang isagawa ng mga tao ang ayon sa mga batas at mga kautusang itinakda ni Jesus, at naging dahilan upang makaranas sila ayon sa mga alituntuning winika ni Jesus. Ang Diyos ng mga huling araw ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid magiging imposible na gawing payak ang realidad ng Diyos, at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subalit gumagamit ng salita upang diligin at pastulan ang tao, at pagkatapos nito ay makakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang kaalaman ng tao sa Diyos. Ito ang layon ng gawaing ginagawa Niya at ang mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit nang maraming iba-ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang kapinuhan, pakikitungo, pagpupungos, o pagbibigay ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay naging kumpleto na sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kwalipikado siya na tumingin sa mga tanda at mga kababalaghan. Kapag ikaw ay nagkaroon ng kaalaman sa Diyos at may kakayanang sumunod sa Diyos nang hindi alintana kung ano ang ginagawa Niya, ikaw ay makakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, sapagkat hindi ka magkakaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa realidad ng Diyos. Sa sandaling ito, ikaw ay tiwali at walang kakayanang maging ganap na masunurin sa Diyos–kwalipikado ka bang makakita ng mga tanda at mga kababalaghan? Ang panahon na ipamamalas ng Diyos ang mga tanda at mga kababalaghan ay kapag pinaparusahan na ng Diyos ang tao, at saka kapag ang kapanahunan ay nagbabago, at, dagdag pa, ang kapanahunan ay magwawakas na. Kapag ang gawain ng Diyos ay normal na naisakatuparan, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan ay kataas-taasang madali, ngunit hindi iyon ang prinsipyo ng gawain ng Diyos, ni hindi rin iyon ang layon ng pamamahala ng Diyos sa tao. Kung ang tao ay nakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at kung ang espiritwal na katawan ng Diyos ay naipakita sa tao, hindi kaya lahat ng tao ay maniwala sa Diyos? Dati ko nang sinabi na ang isang grupo ng mga mananagumpay ay natamo mula sa Silangan, mga mananagumpay na nagmula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng ganoong mga salita? Ang ibig-sabihin nila ay ang mga taong ito na tanging natamo lamang ay tunay na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagpupungos at lahat ng mga uri ng kapinuhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay hindi malabo at mahirap unawain, ngunit tunay. Wala pa silang nakitang anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi nila pinag-uusapan ang mga malalabong mga titik at mga doktrina, o malalalim na mga kabatiran; sa halip mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos. Ang ganoon bang grupo ay walang mas higit na kakayahang gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos? Ang gawain ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ay tunay na gawa. Sa kapanahunan ni Jesus, hindi Siya naparito upang gawing perpekto ang tao, kundi tubusin ang tao, at sa gayon nagpakita Siya ng ilang mga himala upang sumunod sa Kanya ang mga tao. Pagkat pangunahing naparito Siya upang kumpletuhin ang gawain ng pagkapako sa krus, at ang pagpapakita ng mga tanda ay hindi bahagi ng gawain ng Kanyang ministeryo. Ang mga ganoong mga tanda at mga kababalaghan ay mga gawain na ginawa upang gawing mabisa ang Kanyang gawain; ang mga iyon ay dagdag gawain, at hindi kumakatawan sa gawain ng buong kapanahunan. Sa panahon ng Lumang Tipan sa Kapanahunan ng Kautusan, nagpakita din ang Diyos ng ilang mga tanda at mga kababalaghan—subalit ang gawain ng Diyos ngayon ay tunay na gawa, at talagang hindi Siya magpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan ngayon. Sa sandaling nagpakita Siya ng mga tanda at mga kababalaghan, ang tunay Niyang gawa ay mapapatapon sa kaguluhan, at hindi na Siya makakagawa pa ng anumang karagdagang gawain. Kung sinabi ng Diyos na ang salita ay ginamit upang gawing perpekto ang tao, subalit nagpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid maaari bang gawing payak kung ang tao ay tunay na naniniwala o hindi sa Kanya? Sa gayon, ang Diyos ay hindi gumagawa ng ganoong mga bagay. Sobrang dami ng relihiyon sa loob ng tao; ang Diyos ay naparito sa mga huling araw upang paalisin ang lahat ng pangrelihiyong mga kabatiran at mga bagay na higit sa karaniwan sa nasa loob ng tao, at gawin ang tao na makilala ang realidad ng Diyos. Naparito Siya upang alisin ang isang imahe ng Diyos na mahirap unawain at imahinatibo—isang imahe na, sa ibang salita, ay hindi umiiral sa anumang paraan. At sa gayon, ngayon ang tanging bagay na mahalaga ay ang magkaroon ka ng isang kaalaman sa realidad! Ang katotohanan ay mananaig sa lahat-lahat. Gaanong katotohanan ang taglay mo ngayon? Ang lahat bang iyon ay nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan ng Diyos? Ang mga masasamang espiritu ay maaari ring magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan; ang lahat ba ng mga iyon ay Diyos? Sa kanyang paniniwala sa Diyos, ang hinahanap ng tao ay ang katotohanan, ang tinutugis niya ay buhay, sa halip na mga tanda at mga kababalaghan. Ang ganoon ang dapat maging layunin ng mga taong naniniwala sa Diyos.